I recently went out of the country for a special trip and normally hindi ko gawain magbook ng seat kasi una additional charge at pangalawa I like the idea of a surprise kung sino ung makakatabi mo sa plane. Wala pa naman something special na nangyari sa akin, except for some annoying circumstances na na-wiwi ka na kaso tulog ung seatmate mo.
This trip was kinda different, kasi I'm seated next to this old man with cowboy hat who happens to be a really paki-alamero and uber talkative. Nung mag take off na yung plane, nag-check na ung mga stewardess if all seat belts are fastened, windows opened, bags etc na sop before flying. Then napansin ko na kilala ko ung stewardess on board. Tinawag ko siya and we're both shocked and cheery. Nung time na yun, hindi pa kami nakapag-kwentuhan kasi busy pa sila. Pero itong si Cowboy man, mega-singit ung question, "Kilala mo?" Gusto ko sana siyang sagutin ng "Ay hindi po... hindi po ba obvious?" But I am keeping myself cool kaya nasabi ko na lang na "Friend ko po."
And that conversation became the start of a much longer you're-digging-into-my-privacy-question-and-answer-portion. Well, I am thankful naman kasi at least hindi boring yung trip ko kaso what gets in my nerves na sobrang nairita ako ay nung tinanong niya if I am married. When I said... "No..." he immediately jumped into the idea na ibenta ang anak niya who's seated within the same line kaso sa kabila ng hallway.
"Ung anak ko na lang. Divorced yan, anak niya yung katabi niya. He works in US, sa micro-chuchu... blah blah blah."
Tumatawa lang ako. And I never thought that he's serious until sinabi niya sakin na, "Tawa ka naman ng tawa! Seryoso ako, dali ibibigay ko sa'yo ung facebook niya, hanapin mo na lang. 39 na yan, kaso dinivorce nung asawa niya after makakuha ng citizenship."
Hindi ako kumuha ng papel dahil wala akong balak i-date yung anak niya pero nag-insist si kuya, kumuha siya ng papel at isinulat ang pangalan nung anak niya. Iniabot niya sa akin yun sabay sabi, "I-add mo na agad ha, para masundan na yung apo namin!"
Dumaan ulit ung stewardess friend ko at inofferan ako ng snack, ang tanging nasabi ko na lang, "May bakante pa ba dun sa may harap? Lipat sana ako para madali lumabas mamaya."
I'm saved.